Malacañang hindi apektado sakaling itigil na ng senado ang imbestigasyon sa Pork Barrel Scam.

Hindi apektado ang Malacañang sakaling itigil na ng senado ang kanilang imbestigasyon sa Pork Barrel Scam na kinasasangkutan ni Janet Lim-Napoles kung saan nakaladkad ang ilang senador.

Ayon kay Presidential Communication Operation Office (PCOO) Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., itigil man o hindi ng senado ang imbestigasyon sa pork barrel scam ay ipagpapatuloy naman aniya ng ehekutibo ang pagtuklas pa ng mga karagdagang ebidensya sa nasabing anomalya.

Ginagawa ito ng executive department sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ) na pinamumunuan ni Secretary Leila De Lima, na siyang nagsampa at magsasampa pa ng mga kaso sa Office of the Ombudsman kung kinakailangan.

Ginawa ni Coloma ang pahayag dahil may mga suhestyon na itigil na ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam dahil nagkakapersonalan na ang ilang senador.

Speak Your Mind

*