MERALCO, pinapa-contempt ng grupong Bayan Muna dahil sa pagsuway sa ipinalabas na TRO ng Korte Suprema

Hiniling ng grupong Bayan Muna sa Korte Suprema na i-contempt ang Manila Electric Company (MERALCO).

Ito’y dahil anila sa pagsuway ng MERALCO sa ipinalabas na Temporary Restraining Order ng Korte Suprema laban sa big time power rate hike.

Sa inihaing Omnibus Motion, nais ng Bayan Muna na pagpaliwanagin ng Korte Suprema ang MERALCO kung bakit hindi dapat mapatawan ng contempt.

Pinasu-sumite rin ng grupo ang MERALCO ng compliance report na magdedetalye kung gaano karaming consumer ang nakapagbayad ng dagdag-singil bago naipalabas ang TRO.

Speak Your Mind

*