Mga dayuhang mamumuhunan, hindi natitinag ang kumpiyansa sa Pilipinas

Nananatili pa rin ang kumpiyansa ng maraming dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas sa kabila ng pinsalang inabot ng bansa nang salantain ito ng super bagyong Yolanda noong nakaraang taon.

Pero sa kabila nito, walang-tigil pa rin ang pagpasok ng pamumuhunan sa bansa bagama’t medyo may kabagalan.

Ayon sa Standard Chartered Bank, posibleng tumaas ang inflation pero hindi naman umano ito lalagpas sa target zone ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa 2014.

Ibinida rin nitong umangat ang international ranking ng Pilipinas pagdating sa ‘ease of doing business in 2014’.

Sa ngayon ay itinuturing ang Pilipinas na isa sa mga bansang nagpapakita ng malaking paglago partikular na sa pamamagitan pagbabayad ng buwis!

Speak Your Mind

*