Mga examinees para sa Career Service Eligibility, muling pinaalalahanan ng CSC

Muling nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga prospective civil servants na kukuha ng career service examinations paper-and-pencil test sa darating na April 6.

Ayon kay Special Investigator III Romel Rivera ng CSC-Lingayen Field Office, ang mga designated testing centers dito sa Pangasinan ay sa Dagupan City national high school, Urdaneta City national high school at Urdaneta City University.

Lahat ng mga examinees ay kailangang nasa testing venues bago ang alas syete ng umaga.

Ang career service examination ay isang general ability test na dinisenyo para sukatin ang kahandaan ng isang individwal bago pumasok sa government service.

Ang makakuha ng passing rate na 80% pataas ay mabibigyan ng career service eligibility – isang basic requirement para magkaroon ng permanent appointment sa gobyerno.

Speak Your Mind

*