Mga punong kahoy na nasagasahan ng road widening, delikado umano sa mga motorista

Public hazard o banta umano sa seguridad ng mga mananakay at motorista  ang mga kahoy sa gitna ng Manila North Road sa Pangasinan

Ito ayon kay former Congressman Mark Cojuanco dahil may mga insedente na kung saan ay tinamaan umano ng nabaling sanga ang sasakyan na dumadaan dito.

Nababangga din umano ng mga ilang saksakyan ang mga puno kung kayat unti-unting namamatay ang mg ito sa katagalan.

Ayon pa kay Cojuanco, kung dere-deretso ang mga sasakyan na walang traffic at makakatipid ang mga ito ng kunsumo sa fuel kung kayat nababawasan ang carbon emmision ng mga libo-libong sasakyan na dumadaan dito, kaya kung tutuusin umano ay mas mapadali ang biyahe ng mga sasakyan dahil mawawala ang traffic. – Roger Codnita

Speak Your Mind

*