Overseas Special Recruitment Activity, ikakasa ng PESO Lingayen

Itinakda ng Provincial Employment Services Office (PESO) ang isang Overseas Special Recruitment Activity (SRA) sa March 25 para sa mga interesadong magtrabaho sa bansang Taiwan bilang factory workers, na gaganapin sa Provincial Employment Service Office (PESO) sa bayan ng Lingayen Pangasinan.

Ayon kay Raffy Galanta, ang recruitment officer ng Eye Quest International Manpower Services Inc., ang mga aplikante ay kailangang 20 to 35 years old, vocational or college graduates at with or without prior job experience at walang tattoo sa katawan.

Bukas, araw ng martes ay isasagawa din ng PESO ng isang local special recruitment activity, kaakibat ang Faith in God Recruitment and Placement Manpower Services, Inc. at kailangan nila ng mga babaeng production operators para sa SMK Clark Field, sa Pampanga.

Imbitado rin ang mga female production operator applicants ng EPSON Precision Phils., Inc. para dumalo sa kanilang local recruitment activities na gaganapin sa San Fabian sa March 24, at sa March 26 naman sa Urdaneta City at sa Sison sa March 27.

Speak Your Mind

*