Pagpapalabas ng dayuhang teleserye, gusto ng ipagbawal sa Pilipinas

Iminungkahi ni Buhay Party-List Rep. Lito Atienza na ipagbawal na ang pag-ere ng mga Koreanovela at iba pang dayuhang teleserye dahil papatay aniya ito sa local industry ng bansa.

Base sa House Bill 3839 ni Atienza na panukala sa House Committee on Public Information, tuwing primetime o sa gabi sa pagitan ng alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi hindi dapat isaere ang mga dayuhang teleserye.

Sinabi pa ni Atienza na dapat protektahan ng gobyerno ang local entertainment na nagreresulta rin sa pagkakaroon ng karagdagang trabaho.

Aminado naman ang mambabatas na magiging kontrobersyal ang kanyang panukala, ngunit aniya mas mabuting tangkilikin ang lokal teleserye dahil mas mapapaunlad pa nito ang creativity ng mga direktor, writers at producer sa bansa.

Speak Your Mind

*