Pangulong Aquino, nanawagan sa bagong PMA graduates na isabuhay ang honor code.

Hinamon ni Pangulong Aquino ang mga bagong kawal na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class of 2014 na panindigan sa labas ng akademiya ang isinabuhay na honor code sa institusyon.

Sinabi ni Pangulong Aquino na kung bawal ang magsinungaling sa PMA, dapat ay iwasan din ang pagsasamantala at pang-aabuso sa mga transaksyon sa militar.

Ayon pa sa pangulo, kung bawal ang pandaraya, dapat iwasan ang panlilinlang sa procument process sa mga kagamitan at kung pinaparusahan ang pangungupit, dapat tumulong sila sa pagpapanagot sa mga nagnanakaw sa pera ng bayan.

Naging mainit ang palakpakan ng mga kadete at mga guests sa pahayag na ito ng Pangulong Aquino matapos ngang maging kontrobersyal ang pagkakatanggal kay Cadet Aldrin Jeff Cudia sa PMA na kasama sana sa mga magmamartsa dahil sa paglabag sa kanilang honor code.

Speak Your Mind

*