PDRRMC, Nakaantabay na sa ibat-ibang aktibidad sa Pangasinan ngayong tag-init.

Nakaantabay na ang aabot sa pitong beach towers na itinayo sa Lingayen beach sa bayan ng Lingayen Pangasinan, para sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong papalapit na ang panahon ng tag-init.

Ito ang inihayag ni Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC spokesperson Avenix Arenas sa panayam ng sonshine radio.

Ani Arenas, hindi lang sa panahon ng tag-init nakabantay ang grupo kundi maging sa mga sunud-sunod na pagdiriwang sa lalawigan sa darating na mga araw.

Isa na umano rito ang Semana Santa, Pistay Dayat at ang National Boy Scout of the Philippines kung saan nakipag-ugnayan na ang PDRRMC sa Phil Coastguard, Phil Navy, Wasar team, at maging ang mga kapulisan na silang magpapatupad ng kaayusan at seguridad ng lalawigan.

Speak Your Mind

*