PENRO, idinaan sa pagdidilig ang pag-aalaga sa mga punlang itinatanim

Inatasan ngayon ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Pangasinan ang mga Forest Rangers at iba pang Peoples Organizations na pangalagaan ang punlang itinanim sa ibat ibang lugar sa probinsya.

Aminado si PENRO Chief Leduina Co,  na mabagal ang paglago ng mga punla dahil sa nararanasang mainit na panahon sa Pangasinan kung saan mangilan ngilan lang ang pag-ulan.

Dahil dito, ginagawa na ng ahensya ang pagdidilig sa mga naitanim na punla sa mga bulubunduking bahagi ng Mangatarem at Sual.

Hinihikayat din ng penro ang mga people’s organizations na tumulong sa pagdidilig ng mga punlang naitanim ng PENRO sa kani-kanilang lugar. (DZRD newscenter)

Speak Your Mind

*