Pinaka-gulay, itinampok sa 1st Tourism and Agri-Trade Expo na bahagi ng Hundred Island Festival

Kinilala ang mga Pinaka-gulay na exhibit ng ibat-ibang bayan sa unang distrito ng lalawigan ng Pangasinan sa kauna-unahang Western Tourism and Agri Trade Expo 2014 sa lungsod ng Alaminos.

Pinangunahan ni Tourism Regional Director Martin Valera, bilang punong hurado ang pagpili sa mga pinaka-gulay mula sa ipinamalas na produkto ng mga magsasaka sa Western Pangasinan.

Kabilang rito ang pinakamalaking talong, ampalaya, kalabasa, kamatis, patola, upo, hinog na langka, hinog na papaya, mangga, ube at marami pang iba, itinampok din ang pinakamalaking pakwan mula sa bayan ng Alcala na tumimbang ng mahigit dalawampung kilo ang isa.

Ayon kay Provincial Director Rogelio Evangelista ng Agriculture Training Institute, mayroon nang grupo na Farm Tourism Association of the Philippines na maaaring maging katuwang ng mga lokal na gobyerno upang maipakilala ang mga ganitong pamosong produkto.

Speak Your Mind

*