Senado kumpiyansang susuportahan ni Pangulong Aquino ang panukalang ibaba ang income tax rate sa bansa.

Kumpiyansa si Senador Juan Edgardo Angara na susuportahan ni Pangulong Aquino ang panukalang ibaba ang income tax rate sa bansa.

Sinabi pa ni Angara na tiyak na bibigyan ng konsiderasyon ng pangulo ang panukala dahil ang isinusulong naman ng Malacañang ay ang Inclusive Growth o ang paglaki ng ekonomiya.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2149 na inihain ni Angara, layunin nitong babaan ang rates ng individual income tax at i-adjust ang individual income tax brackets.

Sinabi ni Angara na nais niyang ibaba na lang sa 25 porsiyento ang individual income tax rate sa 2017 mula sa kasalukuyang 32 porsiyento.

Umaasa rin si Angara na tatalakayin ni Aquino sa kanyang susunod na State of the Nation Address (SONA) ang panukalang ito.

Speak Your Mind

*