Siyam na Inmates sa BJMP Balungao, magtatapos ngayong Abril sa ALS.

Siyam na Inmates sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Balungao ang magtatapos ngayong Abril sa kanilang pag-aaral sa Alternative Learning System o ALS.

Ayon kay Balugao Jail Warden Roque Constatino Sison, kasama ang Education Program ng BJMP upang mahikayat at maihandaan ng mga inmate sakaling makabalik na sila sa komunidad.

Sa ganitong paraan din ani Sison, mawawala sa isipan ng mga inmate ang tumakas, bukod pa sa madadala ng mga inmate ang makukuhang kalaaman sa kanilang pagbabagong buhay.

Samantala, personal na magtutungo ang kinatawan ng Department of Education o DepEd sa pagmamartsa ng magtatapos na mga inmate.

Speak Your Mind

*