‘Terrorist’ attack sa isang train station sa China, umabot na sa mahigit 30 ang patay

Umakyat na sa 33 ang bilang ng mga nasawi sa malagim na “terrorist attack” sa istasyon ng train sa Kunming, China.

Sa ulat, apat sa mga umatake na pawang mga etnikong rebelde ang nabaril at napatay ng mga pulis habang nahuli ang isa pero lima ang nakatakas.

Mahigit 140 sibilyan ang sugatan sa panghahalihaw ng saksak ng grupo na pawang nakaitim na damit kinabibilangan ng mga babae at lalaki.

Lumabas sa imbestigasyon na mula sa Xinjiang Separatist Forces ang sangkot sa malagim na pag-atake.

Ang rehiyon ng Xinjiang ay tahanan ng mga nagrerebelde mula sa populasyon Uighur laban sa pamamalakad ng China.

Speak Your Mind

*