TV host Bianca Gonzales, engaged na kay Jc Intal

Engaged na ang TV host na si Bianca Gonzales sa boyfriend nitong basketball player na si Jc Intal.

Ito’y after na mag-propose ang boyfriend sa TV host kaninang 4am sa Ninoy Aquino International Airport.

Naganap ang proposal ni Jc sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 alas-4:00 ng madaling araw habang nasa airport si Bianca para sa biyahe nito sa London.

Naka-check-in na raw ang TV host subalit ipinatawag muli ito sa check-in counter para umano tingnan ang isang package.

Subalit paglabas ng TV host, isa-isang naglabasan ang kaniyang mga kaibigan na kinuntsaba ni Intal upang siyang mag-abot ng bulaklak kay Bianca.

Nakaladlad din ang banner na may nakasulat na “Bianca please say yes”.

Inawit ng singer na si Prince Valeria ang “Baby I love your way” habang lumuhod si Intal para alukin ng kasal ang TV host.

Very emotional naman daw ang Kapamilya TV host nang ibigay nito ang matamis niyang ‘Yes’ sa boyfriend!

Anyway, present din daw sa surprise proposal ni Jc ang mga kaibigan ni Bianca maging ang pamilya nito na puros mga kakuntsaba pala nito!

Speak Your Mind

*