Umano’y patuloy na operasyon ng black sand mining sa Ecotourism Zone ng Pangasinan, pinabulaanan

Mariing pinabulaanan ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) na nagpapatuloy pa ang operasyon ng black sand mining sa ilang coastal barangays sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Sinabi ni DENR-MGB Regional Director Carlos Tayag na walang katutuhanan at hindi na nagpapatuloy ang operasyon ng black sand o magnetite sand extraction sa itinuturing na ecotourism zone ng lalawigan.

Nahinto na umano ang operasyon ng nasabing mining mula pa noong magsagawa sila ng inspeksyon sa apat na barangay sa ecotourism zone, kabilang dito ang barangay Sabangan, Estanza, Malimpuec, at Capandanan.

Nabatid na muling naungkat ang nasabing isyu mula sa inilabas na artikulo sa isang pahayagan sa nagsasabing nagpapatuloy ang nasabing aktibidad. (report from Roger Codnita)

Speak Your Mind

*