Venus Raj, impressed sa kandidata ngayon ng Binibining Pilipinas Pageant

Sobrang impressed ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Venus Raj sa mga kandidata ngayon ng Binibining Pilipinas Pageant.

Personal pang kinausap ni Venus ang ilang kandidata at natutuwa siya na marami sa mga ito ang tinuturing siya bilang inspirasyon sa kanilang pagsali sa naturang beauty pageant.

Kaya payo ni Venus sa ilang candidates na huwag mawalan ng pag-asa kung sakaling hindi sila makakuha ng titulo.

Sa katunayan, may nakikita na si Venus sa mga kandidata ngayon na puwedeng manalo na ng Miss Universe Crown lalo’t apat na taong sunod-sunod na standout ang mga pinay sa iba’t ibang beauty pageants.

Speak Your Mind

*