Asin Festival, plano ng ipagdiwang sa Dasol

Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Dasol, Pangasinan na gawin nang Asin Festival ang kanilang taunang selebrasyon ng kapistahan.

Ito’y matapos na malathala sa isang magazine ang ipinagmamalaking produktong asin ng Dasol kung saan dinaig pa aniya ang lasa’t hitsura nito ang mga asin na mula sa bansang Pakistan at Pransya.

Ayon kay Municipal Councilor Miguelito Nono, nagsilbing insperasyon ito upang lalo pang isulong ang pagkakaroon ng Asin Festival sa susunod na taong 2015.

Naniniwala rin ni Nono na sa ganitong aspekto ay lalong makikilala ang kanilang produktong asin bukod pa sa dagdag kabuhayan ito sa mga residente.

Speak Your Mind

*