Free anti-rabies vaccination, mahigit tatlong libong aso ang mabiyayaan

Aabot na sa mahigit tatlong libong aso mula sa dalawamput limang barangays sa lungsod ng Dagupan ang nabigyan ng Free Anti-Rabies Vaccination sa ilalim ng City Veterinary Office.

Ayon kay City Veterinary Officer Dr. Michael Maramba ang Free Anti-Rabies Vaccination Campaign na may temang ‘Pet Ko, Date Ko’ ay sinimulan noong peBrero 14, sa layuning turuan ang mga pet owners na maging responsible pet lovers.

Inihayag naman ni Maramba na mula ng simulan ang programa ay nagkaroon na ng awareness ang mga dagupenyo sa kalusugan ng kanilang alagang aso.

Sakali umanong nakagat ng aso, agad itong hugasan ng malinis na tubig at agad na magpakonsulta sa doktor habang obserbahan naman ang asong nakakagat sa loob ng sampung araw.

Kasabay nito, nagbabala naman si Maramba sa masamang epekto sakaling ang aso ay positibo na sa rabbies dahil wala na umanong lunas o gamot para maalis ang rabbies nito.

Speak Your Mind

*