Level ng tubig sa San Roque dam, normal pa

Nananatili umanong normal ang level ng tubig sa San Roque Multipurpose dam, sa bayan ng San Manuel, Pangasinan kahit na nararanasan ang tuloy-tuloy na init ng panahon.

Sa panayam ng Sonshineradio kay San Roque Power Corp. Vice President for Corporate Social Responsibility Engr. Tom Valdez, sinabi nito na nasa 242.54 meter above sea level, tugma sa level ng tubig na inaasahan nila tuwing dumarating ang panahon ng dry season.

Dahil dito, tiyak aniya na sapat ng supply ng patubig sa mga irrigasyon sa Eastern Pangasinan hanggang sa panahon ng anihan.

Ganunpaman ginagawa parin naman aniya ng SRPC ang paraan upang makatipid sa tubig.

Speak Your Mind

*