Mangoe Processing Plant, planong buhayin sa San Carlos City

Planong ibalik ng pamahalaang panglungsod ng San Carlos, Pangasinan ang operasyon ng mangoe processing plant para makatulong umano sa mga mangoe growers ng syudad.

Ito ang nabanggit ni Mayor Jullier Resuello ng syudad ng San Carlos sa masayang araw ng mga farmers at home makers day sa opening ng Mangoe and Bamboo Festival

Ayon kay Rusuello, ang mangoe processing plant ay nakapag produce na ng produktong mangga mula sa syudad, ngunit naisarado ito hanggang ngayon .

Dagdag pa ni Mayor Resuello na hindi imposible na walang magagawa lalo na kung ang pag-uusapan ay para sa kabutihan sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta ng kanilang panauhing pandangal sa farmers day ang Abono Partylist.

Speak Your Mind

*