Mga jobseeker sa Pangasinan, higit na matutulungan ng PESO sa kanilang ipinapatupad na Manpower Registry System

Hinihikayat ngayon ng Provincial Employment Service Office o PESO ang lahat ng mga naghahanap ng trabaho na dapat magtungo sa kanilang tanggapan.

Ito’y upang matulungan ng ahensya ang mga jobseeker sa pamamagitan ng assessment ng kanilang kursong tinapos sa trabahong nais pasukan sa pamamagitan ng Manpower Registry System.

Ayon kay PESO Manager Alex Ferrer, malaking tulong sa mga aplikante ang ipinapatuad nilang manpower registry system dahil nagiging daan ito upang pagtugmain ng mga requirement ng hinihingi ng iba’t-ibang agencies.

Ibinida naman ni Ferrer na nangungunang trabaho parin ngayon ang may kaugnayan sa Business Process Outsearching o BPO, Hotel Services and Management, at mga Medical Services.

Speak Your Mind

*