Pagpapalago ng produksyon ng bangus Dagupan, tampok din sa selebrasyon ng Bangus Festival 2014

Upang mas mapalago ang produksyon ng bangus sa lungsod ng Dagupan, isang bangus summit ang ilulunsad ng City Government ng Dagupan para sa lahat ng mga stakeholder at fishpond owners.

Katuwang rito ang Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office na itinakda sa darating na Abril a-bente tres (23) sa Star Plaza Hotel.

Layunin umano nitong mabigyan ng sapat na atensiyon sa regulasyon sa pag-i-export ng bangus mula sa proseso hanggang sa merkado nito.

Pag uusapan rin dito ang mga detalye para sa mas malagong ekonomiya ng bangus sa International market.

Samantala, handa na rin ang Bangusine (bangus cuisine) International Cook Fest   na pangungunahan ni Chef Boy Logro at Yasmien Kurdi sa Hall 3 CSI Stadia na bahagi pa rin ng Bangus Festival 2014.

Speak Your Mind

*