Pagtama ng ipo-ipo sa Pangasinan, natural lamang ayon sa PAGASA

Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan na posibleng maranasan ang ipo-ipo ngayon panahon.

Kaugnay ito sa nangyaring pananalasa ng ipo-ipo sa ilang barangay sa lungsod ng San Carlos na sumira sa ilang kabahayan, at nagpabuwal sa mga puno, poste ng kuryente at telepono.

Ayon kay PAGASA Dagupan Chief Engr. Greg de Vera, nagkakaroon ng pagbabago sa direksyon ng dalawang hangin at ang dalawang hangin na ito ay hindi nagbibigayan hanggang sa umabot ito sa north surface at nabubuo na ang ipo-ipo.

Palatandaan naman aniya kung may paparating na ipo-ipo ay kung makakakita ng mamutos clouds o makakapal at maiitim na ulap.

Ipinayo naman ni de Vera na sakaling maranasan ang ipo-ipo sa kanilang lugar at nasa open filed, mas mainam na humiga, sakaling nasa bahay, ay magtungo sa pinaka-mababang palapag ng bahay at kung nasa sasakyan, piliting lumabas ng sasakyan.

Speak Your Mind

*