Pangasinense, pinag-iingat ng DOLE laban sa mga illegal recruitment

Pinag-iingat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pangasinense laban sa illegal recruitment.

Pinapayuhan ni DOLE Provincial Director Engracio Baylon ang mga aplikante na huwag mag-aaplay sa anumang recruitment agency na hindi lisensyado ng Philippine Overseas Employment Administration, huwag makipag-usap sa mga taong hindi otorisado ng lisensyadong ahensya at huwag makipag-transaksyon sa labas ng ahensya.

Bukod dito, huwag magbabayad ng lagpas sa placement fee at huwag kukuha ng trabaho sa ibang bansa na gamit ay tourist o visitor’s visa.

Aniya, ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay dapat pag-isipang maigi dahil ang pamumuhay sa lugar na may ibang kultura, batas, paniniwala at tradisyon, lengwahe, klima, pagkain at time difference ay hindi biro.

Speak Your Mind

*