San Roque Power Coporation (SRPC), nagtitipid na sa supply ng tubig.

Tinitipid na ng San Roque Power Coporation (SRPC) ang tubig sa dam upang maabot pa ng reserba ng dam ang susunod tag-ulan habang sinusuplayan nito ang kailangan naman sa irigasyon ng mga magsasaka.

Ayon kay Vice President for Corporate Social Responsibility ng SRPC Engr. Tom Valdez, nasa biente hanggang biente kwatro cubic per second ang pagpasok ng tubig sa dam pero nagpapalabas ito ng tatlumpu’t anim- hanggang limampung cubic meters per second para sa generation ng kuryente at irrigasyon.

Nangangahulugan na mas marami ang lumalabas na tubig kaysa ang pumapasok sa dam.

Dagdag pa ni Valdez na may dalawampung metrong taas ng tubig sa dam na maaring gamitin bago ito umabot sa 222 meters above sea level na kung saan ay hindi na ito pwedeng mag generate ng kuryente.

Speak Your Mind

*