Sokor, nakaalerto sa posibleng pagsasagawa ng nuclear test ng North Korea

Muling nagtaas ng alerto ang South Korea dahil sa ulat na nagbabalak ang North Korea na magsagawa ng nuclear test anumang araw mula ngayon.

Ayon sa ulat, inihahanda na ng Sokor ang military preparedness nito sa gitna ng nakaambang nuclear test ng nokor kung saan nagkaroon na umano ng increase activity sa pangunahing nuclear site ng Pyongyang sa Punggye-ri.

Kaugnay nito, inihayag ng Seoul na 24/7 ang ginagawa nilang monitoring sa nasabing nuclear site.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay inihayag ng Pyongyang na hindi nito isinasantabi ang pagsagawa ng panibagong nuclear test.

Speak Your Mind

*