Target na Zero Drowning Incident ng PDRRMC, nakamit

Nakamit ng Provincial Risk Reduction Management Council o PDRRMC ang kanilang target na Zero Drowning Incident mula sa libo-libong tao na nagtampisaw sa mga baybayin ng lalawigan ng Pangasinan.

Bunga umano ito ng mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad sa mga baybayin kung saan nakakalat rin ang kanilang mga medical team.

Sinabi pa ni PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas, na patuloy ang pagbabantay ng Water Search and Rescue o WASAR team katuwang ang Coast Guard sa mga beach lalo’t inaasahan pa ang pagdagsa ng mga turista ngayong summer.

Nilinaw naman ng ahensya na ang Zero Drowning Incident na naitala ay mula lamang sa mga baybayin at hindi kasama dito ang naitalang kaso ng pagkalunod sa ilog ng Manaoag at isang resort sa San Manuel, Pangasinan.

Speak Your Mind

*