Tourism and Trade Expo sa Pangasinan, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang ikapitong Tourism and Trade Expo sa Pangasinan Training and Developement Center sa bayan ng Lingayen, bilang bahagi ng Pistay Dayat Festival 2014

Mahigit isang daang exhibitors, negosyante at mga entrepreneurs ang kalahok mula sa Pangasinan, at karatig lalawigan dala ang kani-kanilang ipinagmamalaking produkto.

Inaanyayahan naman ng provincial government ng Pangasinan, ang publiko na bumisita sa nasabing Annual Summer Expo na magtatapos hanggang Mayo a-dyes ngayong taon.

Samantala, gabi-gabi ring mapapanood ang mga iba’t ibang aktibidad kagaya ng movie caravan, acoustic at classic musical performances.

Speak Your Mind

*