Dredging operation sa Dagupan City, pormal ng sinimulan

Pormal ng sinimulan kahapon ang dredging operation o pagdadraga sa kailugan ng Pantal river sa lungsod ng Dagupan matapos makumpleto na ang ginagawang paghahanda at matagal na paghihintay dito.

Gamit ang bagong dredging machines mula sa National Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH), laging madali at mabilis ang operasyon dahil sa mga ikinabit ng mga tubo nito.

Ayon sa City Engineering Office, ang paghuhukay ng dregging machine sa kailugan ng Dagupan ay mag-ooperate anin na oras kada araw habang ang natitirang oras ay ilalaan sa daily maintenance ng machine.

Inaasahan naman na sa pamamagitan ng pagdadraga sa mga kailugan ay masusulosyunan na ang problema sa baha sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*