12-milyong pinoy, walang trabaho ayon sa International Labor Organization

May kabuuang 12-milyong pinoy sa bansa ang walang trabaho o tambay sa kasalukuyan.

Ayon sa International Labor Organization, ang Pilipinas ang may pinakamataas na unemployment rate sa lahat ng bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa tala ng I-L-O, ang mga walang trabaho sa Pilipinas ay pumalo na sa 7.3 percent, base na rin Global Employment Trends.

Sumunod sa Pilipinas ang Indonesia, Brunei, Burma, Malaysia, Singapore, Vietnam, Laos, Thailand  at Cambodia.

Speak Your Mind

*