4 na Brgy. sa Pangasinan, kinilala dahil sa pangangalaga nila sa kailugan

Kinilala ang Provincial Government ng Pangasinan ang Brgy. Poblacion Norte sa bayan ng Sta. Barbara bilang modern barangay dahil sa kanilang River Bank Protection Program na ipinapatupad sa Sinukalan river.

Kabilang ito sa isinulong ng pamahalaang panlalawigan ang kalinisan at kaayusan ng kailogan sa pamamagitan ng mga proyektong may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan tulad ng “Ilog ko, Aroen tan bilayen ko”.

Kaparehas na award naman ang nakuha ang Brgy. Bocboc West sa bayan ng Aguilar sa kanilang programa na “Sustaining the Natural Condition of Agno River Bank Protection Project”, Brgy. Bachelor East sa bayan ng Natividad at Brgy. Masiil-siil ng Umingan dahil sa kanilang “Management Protection and Reforestation Project’ sa Viraya river.

Samantala, kapwa tumanggap ang nasabing mga barangay ng tig-labin limang libong pisong premyo dahil sa kanilang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan.

Speak Your Mind

*