50% mga boarding house sa Dagupan, walang kaukulang fire safety permit ng BFP

Kulang pa umano sa limampung porsyento ng mga boarding house sa lungsod ng Dagupan ang mayroong fire safety permit mula sa Bureau of Fire Protection o BFP.

Dahil dito, mas pinaigting ng ahensya ang kanilang kampanya laban sa mga may-ari ng boarding house o dormitoryo na hindi kumukuha ng permit sa ilalim ng pamumuno ni Dagupan BFP Chief Sr. Insp. Ferdinand Formacion.

Ayon kay Formacion, layunin ng kanilang kampanya na matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, kayat dapat umanong may mga fire exit, fire alarm at fire extinguisher ang mga dormitoryo na maaaring magamit sakaling magkaroon ng sunog.

Idinagdag pa ni Formacion na dapat ay mayroon ding maayos na electrical wiring ang mga dormitoryo at sakali naman aniyang mapatunayang lumabag sa fire and safety code ang isang dorm owner ay maaari itong mapatawan ng kaukulang parusa o multa.

Speak Your Mind

*