60 day preventive suspension na ipinataw kay Mayor Balolong, pinawalang bisa ng Malakayang

Ipinawalang bisa ng Malakanyang ang 60 day preventive suspension na ipinataw kay Mayor Ernesto Balolong Jr. ng Sangguniang Panlalawigan noong April 15, 2014 dahil sa kasong administratibo.

Dahil dito, nanindigan si Mayor Balolong, na siya parin ang kinikilalang alkalde ng bayan ng Urbiztondo, Pangasinan taliwas sa nakaupo ngayong acting Mayor Martin Raul Sison.

Batay kasi sa kautusan ng Malakanyang hindi epektibo ang inilabas ng preventive suspension ng Sangguniang Panlalawigan laban sa alkalde alinsunod sa Section 9 Administrative Order 22-2011.

Malaki rin ang pagpapasalamat ni Mayor Balolong sa nasabing kautusan ng Malakanyang dahil mawawala na umano ang agam-agam o pag-aalinlangan ng publiko kung sino ang susunding alkalde ng bayan.

Sa ngayon, natanggap na umano ng Sangguniang Panlalawigan ang nasabing kautusan kung saan kanikilala umano nila ito at nirerespeto .

Speak Your Mind

*