Agriculture Office ng Pangasinan, iminungkahing huwag munang magtanim ngayong tag-tuyot

Iminungkahi ng Provincial Agriculture Office ng Pangasinan sa mga magsasaka na mas makabubuting obserbahan muna ang epekto ng nararanasang tag-tuyot sa kanilang sakahan.

Ito ay upang hindi mauwi sa pagkalugi ang kanilang pananim dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig sa mga irrigasyon.

Nilinaw naman ni Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla, na hindi pa naman lubhang apektado ang mga magsasaka sa Pangasinan ng nararanasan ngayong tag-tuyot.

Ayon kay Batalla, marunong na ang mga magsasaka sa lalawigan kung paano hindi direktang maapektuhan ng init ng panahon sa pamamagitan ng alternatibong pamamaraan ng pagtatanim.

Speak Your Mind

*