Aktor na si Zoren Legaspi, kinasuhan ng tax evasion ng BIR

Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang aktor at tv host na si Zoren Legazpi.

Ito ay kaugnay ng hindi pagdedeklara ni Legazpi ng tamang Income Tax Return (ITR) sa taong 2010 at 2012.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, tinatayang aabot sa sampung milyong piso ang kinita ni Lepazpi noong 2010 pero mahigit anim na milyon lamang ang idineklara nito sa ITR.

Ani Henares, mahigit isang milyong piso lang din ang idineklara ni Legazpi na kinita nito noong 2012 mula sa kabuuang anim na milyong pisong kita nito.

Aabot naman sa halagang 4.5 milyong piso ang kabuuang buwis na hindi nabayaran ni Legazpi sa BIR, sapat na batayan para kasuhan ito ng tax evasion.

Speak Your Mind

*