“Ambu-bike”, inilunsad ng Red Cross Pangasinan para sa mas mabilis na pagresponde

Upang mas mapabilis umano ang pagresponde sa oras ng sakuna, inilunsad ng Philippine National Red Cross o PRC Dagupan Chapter ang kanilang “Ambu-bike”.

Ayon kay Floramae Magalong, ang PRC Dagupan Chapter Administrator, layunin nito na mapalawak pa ang kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko kung saan mula sa isang ambulance ay nadagdaggan na ito ng apat na ambu-bike.

Makakatiyak ani Magalong na mabibigyan ng tamang serbisyo ang sinumang sasaklolohan sapagkat may sapat na kakayahan ang rome-respondeng mga PRC volunteer dala ang kanilang mga first aid kit.

Sa pamamagitan din aniya ng ambu-bike ay mas madaling matutugunan ang emergency situation lalo na sa matataong lugar.

Samantala, inaasahan naman ni Magalong na makukumpleto ang kanilang target na anim na ambu-bike bago matapos ang taon.

Speak Your Mind

*