Ana Julaton, sasabak na sa mixed martial arts sa One FC: Rise of Heroes

Sa unang pagkakataon ay sasabak ang dating Fil-Am na boxingera na si Ana Julaton sa mixed martial arts.

Si Julaton, dating women’s world boxing organization at international boxing association super bantamweight champion, ay makikipagtuos kay Aya Saeid Saber, isang Egyptian Kickboxing Champion, sa ONE FC: Rise of Heroes sa Mall of Asia Arena sa May 2.

Ayon kay Julaton na may boxing record na 13-4-1, ang kanyang pagsabak sa mma ay alinsunod sa kanyang kagustuhan na sumikat sa bagong larangan.

Isang malaking karangalan din para kay Julaton ang lumaban sa Pilipinas.

Speak Your Mind

*