ANAKPAWIS, nanguna sa sand sculpting competition sa Capitol Beachfront

Nasungkit ng ANAKPAWIS ang parangal na “sand sculpture of the year” award, sa katatapos na sand sculpting competition na ginanap sa Capitol Beachfront sa bayan ng Lingayen, bilang bahagi pa rin ng Pangasinan Pistay Dayat 2014.

Ang ANAKPAWIS ay isang grupo ng mga sand sculptor-artist na nakabase sa Lingayen sa pamumuno ni Corlito Ignacio, kabilangang mga myembro nito na sina Jun Riperio, Ryan Herrero, Antonio Pascua at Raymund Victorio.

Pinasalamatan ng ANAKPAWIS group ang Provincial Government sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga Pangasinense artists na ipakita ang kanilang talento sa sand sculptures.

Pumangalawa naman ang Mac Clarence Estimada’s Group bilang 1st runner-up; at ang Ryan Vicente’s Group bilang 2nd runner-up.

Speak Your Mind

*