Angelica Panganiban, malaki ang pagpapasalamat kay Kris Aquino

Ipinagpapasalamat ng aktres na si Angelica Panganiban ang pagpayag ni Kris Aquino na magaya niya bilang ‘Krissy’ kasama si ‘Tito Bhoy’ sa “Aquiknow and Aboonduh Tonight” na isang segment sa “Banana Split.”

Matatandaan na nag-umpisa ang pagganap ni Angel bilang Krissy noong may programa pa sina Kris at Boy Abunda “Showbiz News Ngayon” (SNN) kung saan in-spoof nila ito bilang “NNNN”.

Inamin ni Angelica na noong una ay may agam-agam siyang gawin ang proyekto dahil baka magalit ang Queen of all Media na halos paglalaruan niya.

Ayon sa aktres, laking pasasalamat niya dahil everytime na nakakakuha siya ng malalaking projects dahil sa panggagagaya niya ay nagbibigay naman siya ng regalo kay Kris bilang pasasalamat.

Speak Your Mind

*