Anti-Insurgency campaign ng PNP Region 1, mas pinalakas

Binigyang diin ang kahalagahang ginagampanan ng kapulisan sa Anti-Insurgency campaign ng ahensya at agresibong kampanya laban sa kriminalidad,

Ito ang inihayag ni Police Chief Superintendent Moro Virgilio Lazo sa isinagawang closing ceremony ng mga myembro ng PNO na sumailalim sa modified PNP special counter-insurgency unit training sa Camp Florendo, sa lungsod ng San Fernando La Union.

Ang nasabing pagsasanay ay layuning mas lalong mapalakas ang Internal Security Operations (ISO) capability ng kapulisan para sa kapakanan ng komunidad.

Ayon kay Police Superintendent Robert S. Daculan, ang training manager ng Regional Special Training Unit 1, may kabuuang  274 Rookie Police ang sumailalim sa PNP scout training at labimpito sa kanila ang hindi naka-survived sa rigid training na isinagawa sa San Roque Power Plant Corporation sa San Manuel, Pangasinan.

Speak Your Mind

*