Asean Integration, magbubukas ng mas maraming oportunidad sa sektor ng kalakalan ng Pilipinas

Magkakaroon ng mas maraming oportunidad ang mga lokal na kalakalan ng bansa para sa regional expansion at productivity enhancement sa pamamagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Economic Community (AEC) Integration.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang business sector ay maaari nang magsagawa ng mas maraming intra-regional trade, paramihin ang kanilang market access sa loob at labas ng ASEAN, at palawakin ang kanilang kapasidad sa produksiyon.

Ang ASEAN Region, isang pangunahing producer ng palm products tulad ng goma, niyog, abaca, pinya, mangga, at bigas, ay itinuturing na ngayong mainam na investment site at regional production hub.

Mas marami ring oportunidad para sa mga investor at mga producer ang inaasahan dahil sa mas madaling paghahatid ng mga produkto, serbisyo, puhunan, kapital, at labor sa rehiyon.

Speak Your Mind

*