AUTOPRO-Pangasinan, kaisa sa mga humihiling ng dagdag pasahe

Kabilang na ang Alliance of United Transport Organizations Province-Wide o AUTOPRO-Pangasinan sa mga transport sector na humihiling na pagtaas o dagdag pasahe sa mga pampasaherong jeep.

Kaugnay ito sa ipinilang petisyon ng Concerned Transport Organization o ACTO sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na P10 kada unang apat na kilometro at P1.40 para sa susunod na kilometro, na kinatigan naman ahensya.

Sa ngayon wala pang katiyakan kung kailan ito maipapatupad, pero umaasa si AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino, na sa darating na pasukan may mararamdaman na ang pagtaas ng pamasahe.

Sakali naman aniyang hindi bigyang pansin ng LTFRB ang kanilang kahilingan ay maaari nilang idaan sa tigil pasada ang kanilang hinaing dahil narin sa taas ng presyo ng produktong petrolyo.

Speak Your Mind

*