Azkals, kumpiyansa sa kanilang tsansa sa 2014 AFC Challenge Cup

Kumpiyansa ang Philippine Azkals sa kanilang tsansa sa 2014 AFC Challenge Cup, magsisimula ngayon, para makapaglaro sa 2015 AFC Asian Cup sa Sydney.

Ito’y kahit aminado si Azkals Striker Phil Younghusband na hindi madali ang pakikipaglaban sa ibang koponan dahil marami ring magagaling na team ang kasali.

Gayunman, tiwala si Younghusband na lalo pang lumakas ang kanilang team dahil sa pagbabalik ni Stephan Schrock at iba pang players na kasali noong 2012.

Napag-alaman na ang Team Azkals ay kasali sa Group B kasama ang koponan ng Afghanistan, Laos at Turkmenistan sa AFC Asian Cup sa Maldives.

Speak Your Mind

*