Banca Parada, nilahukan ng mahigit 150 contingents sa Pangasinan

Pormal ng nagsimula kaninang umaga ang paglalayag ng mga makukulay na mga banca sa tinaguriang Banca Parada, bahagi pa rin sa selebrasyon ng Pangasinan Pistay Dayat 2014.

Ang banca parada ay nagsimula sa Sitio Bantayan sa Brgy Pangapisan Norte, Lingayen at tinahak ang malinis na ilog ng Agno hanggang sa Bañaga bridge sa Bugallon.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan naman ng may isang daan at limampung bangka, mataas mula sa isandaan at tatlumpung bangka noong nakaraang taon.

Pangangalaga naman sa kalikasan ang sentro ng banca parada na nilahukan ng iba’t-ibang grupo mula sa LGU’s, National Government Agencies (NGA’s), Non-Government Organizations (NGO’s) at mga Private Business Sectors.

Speak Your Mind

*