Bangusan street party, dinaluhan ng mahigit 700,000 katao

Umabot sa mahigit pitong daang libong katao ang naki-party sa isinagawang pinakamalaking street party sa bansa na ginanap sa kahabaan ng Jose R. de Venecia Sr. Expressway Extension.

Pinangunahan naman nina Senator Bam Aquino, Pangasinan Fourth District Rep. Gina de Venecia at Mayor Belen Fernandez ang ceremonial lighting ng ihawan.

Mahigit labinlimang sikat na banda mula sa lungsod ng Maynila ang nagpasaya sa nasabing street party kung saan dinaluhan din ito ni Department of Trade and Industry Regional Director Martin Valera.

Samantala, malaking pasasalamat ng mga Dagupenyo dahil hindi umulan nang idaos ang bangusan streeet party, matatandaan sa nakaraang mga taon ay palaging umuulan kapag idinaraos ang kalutan ed dalan sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*