Bengal Bay sa Bangladesh, gagalugarin rin dahil sa Malaysia Airlines Flight MH370

Hindi na halos umuusad ang imbestigasyon ng nawawalang Malaysia Airlines Flight MH370 matapos ang halos dalawang buwan ring paghahanap dito!

Bagaman nakasagap ng signal noon ang Australian Vessel na tumutulong sa paggalugad ng Indian Ocean ay hindi naman matiyak kung sa nawawalang eroplano nga ito nagmumula.

Nauna na ring sinabi ng mga eksperto na malaki ang posibilidad na nasa pinaka-ilalim na bahagi na ng Indian Ocean ang MH370 at tila imposible na itong maiahon pa sa karagatan.

Sa pinakahuling developments ng search operations, nakasagap sila ng electromagnatiec fields sa bahagi ng Bengal Bay sa Bangladesh.

Ayon sa Georesonance, ang electromagnetic fields ay patunay na may aluminum, titanium, copper at iba pang elemento sa ilalim ng dagat na posibleng bahagi ng nawawalang eroplano.

Speak Your Mind

*