BFAR, nagbabala sa posibleng epekto ng neap tide at fishkill

Patuloy na nagpapaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga bangus grower ng Pangasinan dahil sa posibleng epekto ng neap tide o al-al.

Batay sa water qaulity monitoring ng BFAR, may makitang mababang dissolved oxygen level at mataas na salinity o alat ng tubig dahil sa pabago-bagong temperatura.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, ang Chief ng BFAR’s National Integrated Fisheries Technology Development Center, naitala rin ang pagtama ng neaptide ngayong Mayo a-bente tres hanggang bente singko kayat posible ring maging dahilan ng fishkill.

Ipinapayo ni Rosario sa mga mangingisda na mas mabuting magbawas ng stock ng alagang bangus sa mga palaisdaan, bawasan din ang pagpapakain ng feeds, at bantayan ng temperatura at level ng tubig upang maiwasan ang fishkill.

Speak Your Mind

*