BIR Calasiao, tututukan ang pagbibigay resibo ng mga self-employed professional

Matapos ang maliliit na mga negosyante gaya ng sari-sari store, naka-sentro naman ngayon ang BIR o Bureau of Internal Revenue sa dapat na pag-iisyu ng resibo ng mga self-employed professional.

Nabatid sa tax mapping ng BIR, umaabot lamang sa kalahating porsyento ng mga self-employed professional gaya ng mga doktor ang nag-iisyu ng resibo at karamihan na sa kanila ang lumalabag sa ipinapatupad ng batas.

Ayon kay Calasiao District Officer Renato Milano, mahalagang ang pag-iisyu ng resibo upang mamonitor ng BIR kung magkano ang kanilang kinikita at maitama pa ang kanilang babayarang buwis.

Batay sa Section 237 ng BIR kung saan nakasaad sa Internal Revenue Tax na dapat mag-isyu ng resibo ang isang professional kapag nakapag-bigay ito ng serbisyong hindi bababa sa 25 pesos.

Sakali naman aniya lumabag sa naturang batas ay maaring magmulta na nagkakahalaga ng sampu hanggang labinlimang libong piso.

Speak Your Mind

*