Pacquiao, pinaniniwalaan na siya lang ang kayang tumalo kay Mayweather

Iginiit ni boxing hall of fame commentator Al Bernstein na kung mayroong posibleng magbigay ng unang kabiguan kay wbc at WBA Welterweight Champion Floyd Mayweather Jr. Ito ay walang iba kundi si eight-division world titlist Manny Pacquiao.

Aminado si Bernstein na impresibo ang panalo ni Pacquiao kay dating WBO Welterweight Ruler Timothy Bradley na mananalo lamang kung mapapatulog ang pinoy boxer.

Ayon kay Bernstein, mas maganda ang ipinakita ni Pacquiao kay Bradley kaysa resulta ng performance ni Mayweather kay Argentinian Marcos Maidana.

Nangangahulungan aniya na ang pilipinong boksengero lamang ang may pinakamalaking tsansa na magwagi sa kasalukuyang pound-for-pound king.

Speak Your Mind

*